Una sa Balita

B-day ni Digong, simple lang – Abella

By
0 2

Simple, walang ingay at wala ring bonggang selebrasyon ang ika-72 kaarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw, ayon kay presidential spokesperson Ernesto Abella.

“Traditionally, the President marks his birthday quietly without fanfare. He spends some quality time with family and close friends. While certain offices may hold parallel celebration, the President usually veers away public attention on his private and personal affairs,” pahayag ni Abella.

“I wish that his dreams for a great Filipino nation all come true,” dagdag pa nito.

Samantala, labis umano ang pasasalamat ng Pangulo sa lahat ng Filipino sa iba’t ibang panig ng mundo sa pagsuporta ng mga ito upang manguna sa annual list ng “100 most influential persons in the world” ng Time magazine.

“President Duterte is grateful to the Filipino people all over the world for their support for him and his agenda of real change in Philippine society,” ani Abella.

Base sa ulat, nangunguna si Pangulong Duterte sa online poll ng international na babasahin.

Umaabot sa 72% ng mga bumoto ang nagsabi na dapat mapabilang si Pangulong Duterte sa “TIME 100.”

Kahanay ni Pangulong Duterte sa mga nangunguna sa listahan sina Pope Francis, Russian President Vladimir Putin, Canadian Prime Minister Justin Trudeau, Facebook founder Mark Zuckerberg, aktres na si Emma Watson, at Microsoft co-founder Bill Gates. Si US President Donald Trump ay mayroong 2% ng mga boto, ayon sa Time magazine.

Ang iba pang personalidad na kasama sa TIME 100 poll ay sina Lady Gaga, US Sen. Bernie Sanders, Oprah Winfrey at German Chancellor Angela Merkel.