Una sa Balita

B-day ni Angelu dinedma ng mga kaibigan sa TGIS

0 469

In a way, inaasahan namin na sa salubong party ni Angelu de Leon noong Miyerkoles para sa kanyang 40th birthday ay mga co-star niya siguro sa “T.G.I.S.” dahil a few days ago lang, inalala nila ang maituturing na pinaka-popular youth-oriented show ng Kapuso sa ika-24 year na nito.

‘Yun nga lang, si Michael Flores lang ang nakarating dahil halos lahat daw, may mga trabaho talaga.

Sabi nga ni Angelu na hindi mo makikitaan ng kahit katiting na tampo e, “Siyempre, naiintindihan ko’ yun dahil kahit ako, I would rather work than celebrate my birthday. Sabi ko nga rin, it’s not important kung hindi kami masyadong nagkikita, I will treasure them, everyone I’ve worked with, I’m at peace to everyone, okay na ‘ko.”

Hindi rin daw imposible ang “T.G.I.S.” reunion na very much alive pa rin ang karamihan. At ang daming nagre-request na magsama-sama silang muli dahil may pinaplano talaga ang director nito na si Mark Reyes.

Happy naman kami para kay Angelu na talagang siguro nga, nauna na ‘yung mga “not-so-beautiful” na mga pinagdaanan niya kahit bata pa lang at kasagsagan ng kasikatan niya. Nagawa niya kasing maiayos ang buhay, magkaroon ng isang buo at masayang pamilya at the same time, tuloy-tuloy pa rin sa kanyang acting career.

Kaya para raw sa kanya, kahit na sinasabi pang “life begins at 40” ay puro pasasalamat lang daw talaga siya sa lahat instead na may mahihiling pa.

“Hindi ko talaga alam. Kasi sabi ko, I don’t feel like 40. I don’t feel the numbers pero ‘yung mawi-wish ko lang talaga for me, lahat ng gagawin ko will give glory to God.”

(Rose Garcia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy