Una sa Balita

Ayusin ang MRT

0 269

Dear Abante,

Masyadong naaapektuhan ang mga kababayan natin sa kapalpakan ng MRT na sa halos araw-araw nating pinapakinabangan. Ewan ko ba kung bakit ilang taon na nating nararanasan ‘to. Kumikita naman. Saksi ako sa mga parokyano ng MRT, halos siksikan sa loob.

Ano ba naman ‘yan. Malaki naman ang pondo na ibinibigay sa inyo ng gobyerno, hindi na nga mura ang pamasahe n’yo! Bakit hindi niyo man lang tapalan ang napakaliit na problema? Kundi hindi madalas tumirik, minsan naman sobrang tagal dumating ang bagon!

Pres. Digong, pansinin niyo naman po ‘to, ang MRT ang sinasakayan ko kapag pumapasok sa trabaho, at MRT din ang nagiging dahilan kung bakit ako nale-late sa trabaho. Ito na lang ang alternatibong sasakyan ko dahil alam kong wala na ring pag-asa kung bus pa ang sasakyan ko dahil na rin sa traffic na mala-kanser at wala ng solusyon!

Diyos ko hindi pa man Mahal na Araw pero kalbaryo na ang nararanasan namin. Paano kung dumating na ang Pasko, doon na lang kami magpa-party sa kalye?
MRT Management maawa kayo sa mga tao!
Romeo B. Cruz

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy