Una sa Balita

Ayuda sa mga magsasaka

By
0 8

Inaasikaso ng Land Bank of the Philippines (LBP) ang loan program para sa k­a­­pakanan ng mga magsasaka.

Ayon kay Presi­den­tial Spokesperson Ernesto Abella, ipiprisinta na ng LBP sa Presidential Agrarian Reform Council (PARC) ang kanilang Proposed Lending Program na pumupuntir­yang ma­paglaanan ng programang pautang ang mga koope­ratiba ng Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs).

Sa pamamagitan nito ay mapagkakalooban ayon kay Abella ng insentibo ang mga magbubukid para sa repayment ng kanilang utang sa gobyerno.

“Likewise to provide incentives to ARBs who paid their amortization,” ani Abella.

Kaugnay nito ay magsasagawa ng konsultasyon ang Department of Ag­rarian Reform (DAR) sa “Revocation of the Agribusiness Venture Arrangement” sa pagitan ng Marsman Estate (MEPI) at Marsman Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative (DAMARBDEVCO).

“To include represen­tatives from the Land Owners sector. Said consultation will be attended by the President and the Finance Secretary, to be conducted before the next PARC meeting,”dagdag ni Abella.