Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ayuda sa mga ‘bagong bayani’ palalawigin ng OFW Partylist

0 104

Kumbinsido ang One Filipinos Worldwide (OFWs) Partylist na dapat ng palawigin ang ayudang pinansyal sa umuuwing overseas filipino workers ng hanggang dalawang taon kumpara sa kasalukuyang anim na buwan hanggang isang taon lang.

Sa isang press conference, iginiit ni OFW party president Marissa del Mar na kinikilala nila ang magagandang programa ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa mga OFW pero mas mainam aniya kung magiging agaran at matagalan ang ibibigay na tulong pinansyal sa mga bagong bayani ng bansa.

Dagdag ni Del Mar, isusulong ng OFW partylist ang panukalang ito sa 19th Congress upang pinal na isabatas ang mabilis at mas malawak na tulong pinansyal sa umuuwing mga OFW.

Idiniin niya na kulang ang anim na buwan hanggang isang taon para makabawi ang mga umuuwing OFW sa pinansyal nilang problema.

Matatandaag libu-libong mga OFW mula sa Hongkong, Shanghai at ibang bansa ang umuwi sa Pilipinas bunga ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lugar ng kanilang mga trabaho.

Dahil sa krisis sa ekonomiya sa halos buong daigdig, nawalan sila ng trabaho bunsod ng pagsasara ng kanilang mga kumpanya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.