Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ayuda sa boksingero hiniling

0 221

MULING kumakatok sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Games and Amusements Board (GAB) para sa ayuda sa mga atletang nawalan ng trabaho sa gitna ng pakikibaka sa COVID-19.

Ayon sa GAB muling sinulatan ng ahensiya si DSWD Sec. Rolando Joselito Bautista upang ipakiusap na maisama sa Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD ang mga abang professional boxer at combat sports fighter na lubhang apektado sa lockdown.

Sa sulat na may petsang May 24, hiniling ng GAB ang tulong ng DSWD sa mga professional boxer, mixed martial artists, muay Thai fighters, matchmakers, at ring officials.” (Abante Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.