Una sa Balita

‘Ayokong makipaglaro sa demonyo!’ – Cristine

By
0 9

Inamin ni Cristine Reyes na kapag gagawa siya ng horror movie, kinakabahan daw siya dahil alam niyang nag-i-invite ito ng mga spirits na nasa paligid nila.

New beauty league family soon👑

A post shared by Cristine Reyes (@cristinereyes) on

Abante Hiring – IT dep

Lalo pa raw na ang title ng movie nila ay ­Spirit of the Glass 2: The Haunted kaya parang ­invitation pa iyon sa mga gumagalang spi­rits na puntahan sila sa set.

“Naniniwala ako sa dark world kasi. May spirit world talaga.

“Every time na magbabasa ako ng script na horror kailangan nasa may mga tao at umaga talaga. Hindi sa kuwarto ko, kung saan ako nagpapahinga, kasi ayokong mag-imagine, malakas kasi imagination ko,” ­diin ni Cristine.

Nakadalawang horror mo­vies na raw si Cristine in the past: Tumbok at Elemento. Pareho raw siyang nakaranas na may kakaibang nangyayari sa set. Kaya sa pag-shoot daw niya nitong Spirit of the Glass 2, hindi niya dinala sa set ang anak niyang si Amarah.

“Laging sinasabi sa akin ni Ali (Khatibi, her husband) na ayaw ­niyang dinadala ko si Amarah sa set lalo na kapag horror ang ginagawa ko. So, ingat lang din. Kasi hindi mo masa­sabi na kapag nagsu-shoot ka ng horror, nag-a-attract din ‘yun ng spirits eh. Baka mapaglaruan ang anak ko. Kaya hindi ko siya dinadala talaga.”

Nasubukan na rin daw ni ­Cristine na maglaro ng spirit of the glass noong bata siya. “Nga­yon ayoko na. Hanggang sa movie lang ­naman. In real life, bakit ko naman gagawin iyon? Hindi tama na mag-invite ka ng spirits na ‘di mo alam ang puwedeng gawin sa iyo at sa pamilya mo.

“Kasi ayokong makipaglaro sa devil, ­dahil alam naman po natin na mahirap takasan ‘yun kapag nakipaglaro ka sa mga ganu’ng elemento.

“So, now ayoko nang gawin ‘yung ginagawa ko noong bata ako. Thankful ­naman ako na walang nangyari sa aking masama noon,” pagtatapos pa ni Cristine.