Una sa Balita

Ayo Tiger coach na kahit mura ang sahod

By
0 1,287

Tapos na ang mga haka-haka, opisyal nang sumampa sa bakuran ng University of Sto. Tomas si coach Aldin Ayo upang gabayan ang Grow­ling Tigers sa susunod na 81st UAAP season 2018 kahit sa mababang sahod kumpara sa dati niyang pinanggalingan.

Hinayag sa official account ng Institute of Physical Education and Athletics, (IPEA) ang pagtanggap kay Ayo bilang karelyebo ni coach Boy Sablan.

“The Thomasian community welcomes the new head coach of the UST Growling Tigers, coach Aldin Ayo,” nakasaad sa twitter acount ng IPEA.

Isa sa naging dahilan sa paghugot kay Ayo ay ang kanyang basketball program. 

“The basketball program that he espouses is based on discipline that gives primary importance to the academic life of student-athletes, believing that athletes who are hard working in their studies are likewise those who are able to handle themselves well pro­perly, both on and off the court,” saad sa IPEA.

Walang nakasaad sa kontrata kay Ayo, pati ang magiging gana niya subalit may balitang anim na taon niyang hahawakan ang España-based hoopsters.

Dalawang seasons na ginabayan ni Ayo ang De La Salle University kung saan paldo ang kanyang sahod.

Nagkampeon agad sa kanyang unang taon at second place sa 80th UAAP 2017 matapos matalo sa karibal na Ateneo Blue Eagles ang Green Archers.