Una sa Balita

Ayo, Perasol sa krusyal na sultada

0 244

TEAMS W L
x-ADMU 10 2
x-ADU 9 3
DLSU 8 4
UP 6 6
FEU 6 6
UST 5 7
y-NU 3 9
y-UE 1 11
x – Pasok na sa Final 4
z – May playoff na sa semis berth
y – Talsik na sa semifinals

Mga laro ngayon:
(Big Dome-QC)
2:00 n.h. – ADU vs UE
4:00 n.h. – UST vs UP

IPASASAGAD nina coaches Aldin Ayo ng University of Santo Tomas at Dolreich ‘Bo’ Pera­sol ng University of the Philippines sa kanilang mga sundalo ang puwersa ng mga ito sa patuloy na paghahabol sa 2 pang silya sa Final 4 sa nasa rematehan nang 81st University Athletic Association of the Philippines men’s basketball 2nd round eliminations ngayon sa Big Dome-Quezon City.

Kabuhol ng UP Fighting Maroons sa 4th-5th ang idle Far Eastern University sa 6-6 win-loss record samantalang nasa ika-7 ang UST Growling Tigers patungo sa alas-4:00 ng hapong banatan.

Nais mairesbak ng State U ang 72-86 1st round loss sa España-based basketeers noong Oktubre 10 upang luminaw-linaw sa asam na mahigit na 2 dekadang tagtuyot sa semifinals sa 8 eskuwelahang liga.

“UST is a very dangerous team. We just have to be at our best can be when we go up against them,” lahad ni Perasol, na buhat sa 82-71 pagkatay sa National University sa nakalipas na Sabado hambing sa Uste na mula sa kambal na taob.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy