Una sa Balita

Ayaw suportahan ang mga anak

0 341

Atty. Claire Castro

Dear Atty. Claire,
Good evening attorney, maaari po ba ako magtanong tungkol sa sinampa kong kaso sa dati kong asawa , 4yrs na po kaming hiwalay at mayroon na rin po siyang kinakasama.

Ang gusto ko lang po ay mabigyan ng suporta ang dalawa kong anak, 2yrs na po ayaw niang magsuporta.Kami po ay kasal at siya po ay seaman na halos 100k ang sinasahod pero hind po niya mabigay ang para sa aming mga anak.

Nagsampa po ako ng kaso last year of July at nagkaroon na po kami ng preliminary conference para sa areglo pero hindi po sya naki­pag-areglo kundi po ay nilabanan niya ang kaso ko na RA 9262 o VAWC at hanggang ngayon po ay wala pa rin update about sa kaso.Nakaalis na rin po siya ulit ng bansa noong January.

Meron po bang laban ang kaso ko sa kanya? sana po ay matulungan nyo ako .. thank you po.
Jen

Jen,
Sa mga lalaking tulad ng asawa mo ay lubhang nangigigil ako sa inis dahil kung mayroon man kayong hindi pagkakaunawaan at mayroon na siyang ibang kinakasama ay hindi dapat na mada­may ang mga anak ninyo na wala namang kasalanan sa nangyayari sa inyo maliban lamang sa naging anak ninyo sila.

Kung ang tanong mo ay kung may laban ka sa kaso mong VAWC o Violation against Wo­men and Children ay masasabing kong mayroon dahil sa kanyang pang aabusong ginagawa sa inyong mag-iina. Sana ay sinamahan mo pa ng kasong Anti-Child Abuse Act RA 7610 dahil sa pag-abandona niya sa kanyang obligasyon sa inyong mga anak.

Kahit nakaalis na siya ay magtutuloy-tuloy naman ang kaso at kung mairerekomenda na ito ay maisampa sa korte ay tiyak na magkakaroon ng warrant of arrest at tunay na liliit ang mundo niya kapag hindi na siya umuwi pa sa Pilipinas dahil sa nakabinbing kaso laban sa kanya.

Huwag panghinaan ng loob at palaging mag-follow-up sa korte kung saan nakasampa ang kaso mo. Kung sa prosecutor pa lamang ito dinidinig ay mag follow-up ka rin at magbigay ka ng Manifestation na hanggang sa ngayon ay wala siyang suportang ibinibigay sa inyong mag-iina.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy