Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ayaw sa nude painting: Ina aminadong lawlaw na ang dibdib

0 745

Hanggang pagpu-post na lang ng mga bikini photo sa Instagram ang kayang gawin ni Ina Raymundo. Sa interview ko kay Ina para sa “Abantelliling” (mapapanood sa Abante News Online FB page),

tinanong namin siya kung wala ba siyang planong i-immortalize ang kanyang kaseksihan sa pamamagitan nang pag-pose ng nude sa painting.

Sagot ni Ina, hindi na niya iniisip ‘yun dahil solve na siya sa mga pictorial at pagpu-post niya sa Instagram.

Inamin ni Ina na kahit maganda pa rin ang kanyang pigura, may mga nabago na rin. Lawlaw na raw ang kanyang boobs at may mga sobra na rin siyang balat sa katawan na dulot ng pagbubuntis.

“Naku kung wala akong suot na bra, hanggang dito (turo nya sa waistline) ang boobs ko noh!” sabi ni Ina sabay tawa.

Masaya na raw si Ina sa mga papuri sa kaseksihan at ganda niya ng mga follower niya. Hindi na raw niya kailangang magkaroon ng nude portrait. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.