Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ayaw sa lock-in? Maricel ‘di sinipot ang taping sa Dos

0 925

May nag-update sa akin tungkol sa taping ng “Ang Sa Iyo Ay Akin” ng ABS-CBN.

Nagbalik-taping na ang nasabing series na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado at Sam Milby with the Diamond Star Maricel Soriano.

Noong Tuesday nag-COVID-19 rapid testing si Maricel sa ABS-CBN compound.

Ang alam ng katsikahan ko, magla-lock-in na sila sa isang hotel sa Quezon City, pero hindi raw niya nakita doon si Maricel.

Tama ba na naiba rin ang mga eksenang dapat kunan noong Wednesday dahil wala nga at hindi pa nakapag-lock-in si Maricel?

Bakit kaya?

Hindi kaya naurong lang ang pagla-lock-in ni Maricel?

Sabi ng katsikahan ko, ia-update raw niya ako.

Pero smooth-sailing naman daw ang kanilang taping at namigay pa nga raw ng mga reusable mask sa lahat.

Sinusunod din daw sa taping ang lahat ng health protocols na pinatutupad ng Kapamilya network.

Nice! (Jun Lalin)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.