Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ayaw pakabog kay KC: Frankie nilantad maangas na alindog sa IG

0 54

Hindi nagpatalbog si Frankie Pangilinan sa kanyang Ate KC Concepcion sa pagpapa-sexy. Bagamat may mga sexy photo na rin si Frankie noon, pero kakaiba ang latest post niya, na talagang nagpagulat sa mga fan.

Wala na ngang pakundangan si Frankie na ibalandra ang kanyang alindog, suot ang purple 2-piece bikini, habang nasa dagat.

Pinatunayan nga ni Frankie na gaya ng kanyang Ate KC, meron ding ibubuga ang kanyang pigura.

Si KC kasi, madalas ngang mag-post ng sexy photo sa IG, at laging humahakot ‘yon ng pansin, dahil sa totoo lang, maganda at malakas talaga ang sex appeal na ito ng panganay ni Sharon Cuneta.

Pero, in fairness naman kay Kakie, may angas din ang pigura niya.

Sa unang tingin sa photo, at sa anggulo ng katawan ni Frankie, hindi mo aakalain na siya ang nasa larawan. Mistulang beauty queen ang dalaga ni Sen. Kiko Pangilinan.

Sure ako, proud na proud si Sharon kay Kakie.

Rufa Mae niregaluhan ng kotse

Parang mas lalong lumabo ang hula ng mga netizen na babalik na sa Pilipinas si Rufa Mae Quinto. Paano ito makakauwi, niregaluhan siya ng kanyang asawa ng bagong sasakyan.

Nakaposte sa IG ni Rufa Mae ang video kung saan nagda-drive na ito sa freeway sa San Francisco. Habang nagmamaneho kinukunan siya ng video ng kasama niya.

Maririnig ang boses ng kasama na nagsasabi na, “Ayan sanay na sanay ka na mag-drive sa Freeway.”

Enjoy na enjoy si Rufa Mae sa pagmamaneho, na hindi yata niya nagagawa noong nasa Pinas siya.

“Birthday gift. Saya saya namin mag ina! Salamat mahal @trevvsilog,” sabi ni Rufa Mae.

Nasa backseat ang anak niyang si Alexandria at isa pang bata.

Winwyn hindi swapang sa korona

Tinuldukan na ni Winwyn Marquez ang posibilidad na muli siyang sasali sa beauty pageant, partikular sa BB. Pilipinas 2021.

Sa mga throwback photo, video ng mga pagrampa niya sa Reina Hispanoamericana, kung saan siya nga ang kinoronahan noong 2017, may nag-usisa sa kanya kung sasali pa siya sa beauty pageant.

Marami pa rin ang humihikayat kay Winwyn na sumali sa mga beauty pageant, kahit 29-years old na ang dalaga ni Alma Moreno.

“Photo dump!!! I bet you guys haven’t seen these photos.

“I am overwhelmed with all of your messages grabe non-stop. 2015 and 2017 ako sumali. Ngayon 2021 na, at hanggang ngayon ganyan pa rin kayo. Thank you so much pero hanggang sa pag-support na lang ako sa mga candidates natin and sa mga gusto sumali sa pageants. Minsan magbubukas talaga tayo ng ibang chapter sa buhay natin and need mag- move on sa ibang bagay, but sabi nga di ba once a Miss Philippines, always a Miss Philippines!” sabi pa ni Winwyn.

Leave A Reply

Your email address will not be published.