Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ayaw pabakuna kumonti – survey

0 174

Patuloy na bumababa ang bilang ng mga Pilipino na nag-aalangan pabakuna kontra COVID-19, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ginawa ang survey noong Disyembre 12 hanggang 16 ng nakaraang taon at nabatid na walong porsiyento na lamang ng mga adult Pinoy ang ayaw pabakuna. Malaki umano ang pinagbago ng numerong ito kumpara noong Setyembre (18%), Hunyo (21%), at Mayo (33%).

Tumaas din ng 50% ang bilang ng mga indibiduwal na nagsabing naturukan na sila ng isang bakuna kumpara sa 10% noong Hunyo at 35% noong Setyembre 2021.

Samantala, 35% ng mga hindi pa bakunado ang handa na umanong pabakuna kontra COVID bagama’t tatlong porsiyento sa kanila ang hindi pa sigurado.

Nasa 56.4 milyong katao na ang nabigyan ng kumpletong bakuna laban sa COVID at mahigit 5.6 milyon naman ang nakatanggap ng booster.

Target ng gobyerno na mabigyan ng kumpletong bakuna ang 77 milyong Pilipino bago sumapit ang araw ng halalan sa Mayo 9, 2022. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.