Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ayaw ni politiko: Ivana naghahanap ng ka-date sa Feb. 14

0 306

Ganda ng content ni Ivana Alawi sa YouTube channel niya na ‘Mama Rates my Outfits’ nakaka-stress. Ito nga `yung nagpapalit-palit siya ng iba’t ibang damit at rumarampa sa harap ng kanyang nanay, pati nan g utol niyang si Mona.

At siyempre, ire-rate ito ng kanyang nanay. Sasabihin kung maganda o pangit.

Unang outfit pa lang ni Ivana na maong shorts at mala-sando ang upper part, parang hindi agad nagustuhan ng nanay ni Ivana. Okey lang ang sabi niya.

Makikita nga ang style na gusto ng nanay niya, na kapag medyo balot si Ivana, bet niya. Sosyal nga ang rate niya sa iba pang mga outfit ni Ivana.

Todo rampa nga si Ivana, na ang ibang outfit niya ay iisipin mong nasa malamig na klima siya dahil sa patong-patong na damit, na ang iba ay naka-coat pa siya with matching boots.

Ang last outfit ni Ivana ang bet ng kanyang nanay, na binigyan nga ng perfect 10.

Pero, ang mas bongga ay ang hirit ni Ivana sa intro ng kanyang video, na tila naghahanap siya ng boylet.

“Valentine’s eh, baka sakaling magka-date,” sabi ni Ivana.

Imagine, ang gandang yan ni Ivana, walang ka-date sa Feb. 14? Maniniwala ba kayo? Kaduda, di ba?Pero teka, paano na si politiko na sinasabing dyowa raw ni Ivana?
Well… (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.