Una sa Balita

Ayaw ng asawa ko ang sex (3)

0 1,062

Dear Dra Holmes: (shortened Jan 29 letter)

Ako’y 52 at walang erectile problem. Ang problema ko ay ang aking asawa, 42 lamang, pero tinatamad na sa pkiki­pag sex. Tinatanggihan ako kahit wala pwedeng idahilan…nkaka panghina ng loob kpag laging narereject at kung pagbibigyan nman eh parang dhil naawa lang cguro skin.. para po akong patay gutom na mkukuha ko lang na parang limos… twing akoy n rereject nkkadama ako ng pagkaawa sa sarili..
Ramon

Dear Ramon:
Maraming salamat sa iyong sulat mo na una na­ting pi-nublish ng buo noong nakaraang Enero 31. Sa huling kolum ko noong nakaraan Pebrero 1, sinabi ko na maaaring inuunahan o na siya sa mga dahilan na ayaw niyang makipag-sex sa iyo. Maaaring hindi totoo ang iyong inaakala (halimbawa: mayroon siyang problema sa pamilya). Pero ang mga kilos at sa­lita mo ay magiging malupit dahil lamang sa maling akala mo. ‘Yan ang dahilan mabuting mag-communicate kayong dalawa. Mas maaga kayong mag-usap tungkol sa problemang ito, mas mabuti. Kung hindi mapupuno ka ng sama ng loob na walang basehan naman pero makakaapekto pa rin sa sex life ninyo.

Ikalawa, Proud na proud ka dahil hindi mo kaila­ngan ang mga gamot para manatiling matigas ang ari mo.

Mayroong posibleng resulta rito:

1. “Buhay na buhay pa” ang iyong libido at dahil mayabang ka tungkol rito, nakakawalang gana para sa asawa mo; sa kabilang dako naman.

2. May konti kang takot na hangang kailan magiging kahanga-hanga ang iyong libido. Mayabang ka na bihira sa mga lalakeng ka-edad o ay mayroong dahil alam mo na maraming lalake ay nangangaila­ngan ng Viagra, atbp kapag nakarating na sila sa 50, 60, 70 gusto mong makipagsiping ng marami dahil ‘di mo pa ito kailangan. Nakaka-turn off ang ganyang saloobin (attitude): para bang pagsasamantala ng iyong pagkalalake dahil nag-aalala ka na baka ito mawala kaaagad. Ito rin ay nakakawalang gana sa mga babae.

Hindi magiging solusyon ang 2 bahagi sa taas, pero pangako ko sa iyo na, kung asikasuhin mo sila, gaganda ang iyong sex life. Ingat at Salamat — MG Holmes

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante 3X a week. Sulatan siya sa Facebook ni Dr Margarita Holmes
http://www.facebook.com/drmargieholmes. Panoorin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite facebook tuwing Huwebes, 7 pm.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy