Una sa Balita

Ayaw makipag-make love

0 492

Dear Dra Holmes:
hi doc, considered as grounds for annulment po ba if kung ayaw na pong makipag make love ng husband ko sa akin? Napaka strange po kasi, na kahit ako pa ung mag initiate tlagang ayaw nia. wla naman po kaming problema, pero whenever I will ask him bakit ayaw nia, tatahimik lang po sya at di na sasagot. many times maga-galit pa sya sa akin, which I find it so unfair, kasi as far as I know obligation nia un bilang asawa ko.
Elizabeth

Dear Elizabeth:
Maraming salamat sa sulat mo. Ikinalulungkot ko, pero hindi grounds for annulment ang ayaw makipag-make love ang asawa mo sa iyo. Mayroong dalawa lang grounds for annulment na may kinaaman sa sex:

1. Kapag may dahilang pisikal kaya hindi puwedeng magsiping ang may asawa.

2. Kapag nang kinasal sila, mayroong seryoso at incurable STD (sexually transmitted disease) ang isa sa kanila. (na iba sa ayaw makipagsiping).
Ang basa ko sa problema mo (paki sabi mo lang sa akin kung mali ako, ok?) dati maganda ang sex life ninyo. Kayo ng asawa mo ay nagsisi- ping na regular. Pero hindi na ganun ang sitwasyon ninyo ngayon. Tinanong mo na sa kaniya mara-ming beses kung bakit ayaw niya at hindi siya sumasagot.

Ok kaya kung tanu-ngin mo siya kapag hindi ka galit o sexually frustrated (na gusto mo na sanang mag sex at tinanggi ka iya?).

Related Posts

Kasi, dearest Elizabeth, kung ganun lang ang mga panahon na tinatanong mo siya, sigu-radong hindi siya sasagot. Maaari na ang datin sa kaniya ay hindi mo talaga gusto ng tunay na sagot, gusto mo lang magbintang at mag away.

At ‘di yan ang gusto mo, diba, Elizabeth? Gusto mong mag-usap kayo ng masinsinan para magkainitindihan, magpatawad, magtanggapan at magmahalan ulit kayo. Kailangan nito ng ubod na pasensya at kapasidad na umunawa at ‘di lamang mag reklamo.

Mahirap maging magpasensya kung ang tagal mo nang nagmamalasakit at feeling mo ay unfair at hindi nababahala ang asawa mo sa iyong mga pa-ngangailangan.

Siguro ang sinasabi ko ay sikapin mong maintindihan ang nangyayari sa relasyon ninyo, pero kung ayaw pang makipagtulu-ngan (cooperate) ng asawa mo sa iyo, sulatan mo ulit ako at mag isip tayo ng step 2, ok? Ingat — MG Holmes

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes sa TONITE tuwing Sabado at Linggo. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy