Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ayaw makasama si Derek: John Estrada balik Kapamilya

0 307

Kasama na sa cast ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ si John Estrada.

Nasa Ilocos Norte ito ngayon para sa lock-in taping ng teleserye.

Nag-expire na ang kontrata ni John sa GMA. Pero, may nagsasabi na ayaw lang niyang makatrabaho ang ex-best friend niyang si Derek Ramsay kaya siya umalis ng GMA.

Taong 2018 nang lumipat sa GMA from ABS-CBN si John. Huling napanood si John sa afternoon teleserye na Babawiin Ko Ang Lahat. Bago yun ay lumabas si John sa Victor Magtanggol at Kara Mia.

Hindi naman daw exclusive ang kontrata ni John sa GMA dahil napagsabay pa niyang gawin ang sitcom na John en Ellen sa TV5. Ang naturang sitcom ang naging mitsa kung bakit hindi na BFF sina John at Derek.

Patuloy ang palipat-lipat ng mga artista sa dalawang TV networks. Kunsaan nga naman merong work ay doon ka pumunta. Lalo na at may pandemya pa rin, di ma-afford ng mga artista na matengga dahil meron silang mine-maintain na lifestyle. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.