Una sa Balita

Ayaw magbayad ng renta

0 810

by Atty. Claire Castro

Dear Atty. Claire,
Ask ko po legal advise from you. Meron po kami minana na 4 door apartment through holographic will… ‘yung mga tenant po ay alam na nila na na-grant na sa amin ng court of pagmamay-ari ng pro­perty… nagkasundo po sa barangay na dapat ay magbayad sila ng upa sa amin… hanggang sa ngayon ay hindi pa rin sila nagbabayad inspite of due notice.

Ang tanong ko po ay puwede po ba namin ma-evict ang mga te­nants base sa hindi pagbabayad ng renta, hindi pagpirma ng kontrata?
Maraming salamat po,

Ethel

Ethel,
Dahil sa kayo ang tagapagmana ng ari-ariang inuupahan ng tenants at dahil na rin sa nagkasundo kayo sa barangay na magbabayad sila… maliwanag na sila ay may pag-amin sa inyong karapatan na makatanggap ng bayad o renta mula sa inuupahang ari-arian.

Sa pagpirma nila sa barangay na magbabayad sila sa inyo ay maaari na ninyong idulog sa korte ang usapin sa pamamagitan ng pagsampa ng Action to Enforce the Compromise Agreement/Kasunduan ngunit ito ay tungkol lamang sa napagkasunduan sa barangay. Kung ang napagkasunduan sa barangay ay tungkol lamang sa bayarin sa renta, ay iyon lamang ang maaaring ipatupad ng korte at hindi ang pagpapaalis sa ari-arian.

Dahil na rin na ang kasunduan ninyo ay noon pang 2014, ay hindi na ito kayang ipatupad pa ng barangay na binibigyan ng karapatang magpatupad (enforce) ang napagkasunduan sa loob ng anim na buwan matapos ang hindi pagtupad ng kasunduan. Pag napaso o paglagpas ng anim buwan ay sa korte na talaga ang gagawin ang pagdudulog.

Kung nais naman na magsampa ng kaso sa korte para sa ejectment o pagpapaalis ng te­nants ay magpadala muna kayo ng demand letter to vacate and pay the unpaid rentals and other da­mages. Kung hindi pa rin sila aalis ay dapat na kayo ay muling dumulog sa barangay na may sakop sa inyo kung kayo ay magkabarangay o sa barangay na may sakop sa tenants kung kayo naman ay magkalungsod lamang o kung ang tinitirhan ninyo ay sakop ng dalawang barangay na magkatabi lamang. Kapag hindi nagkasundo ay humingi ka na ng certificate to file action dahil kailangan ito bago magkapagsampa ng reklamo. Ngunit kung hindi naman magkabarangay, magkalungsod o kung ang tinitirhan ninyo ay sakop ng dalawang barangay na magkatabi lamang ay hindi na ninyo kailangan pang dumulog sa barangay at maaari nang magsampa ng kasong ejectment matapos na hindi sila tumugon o sumang-ayon sa gusto ninyo sa inyong demand letter.

***
Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922-0245 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy