Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ayaw mag-taping: Ivana takot makipaglaplapan

0 78

Ang van ni Ivana Alawi ang tinuturing niyang second house. Oo nga naman, dahil bukod sa bahay, mas madalas siyang nagi-stay sa van, lalo na kapag nasa taping, pictorial, o iba pang showbiz event siya.

Ipinakita nga ni Ivana ang laman ng kanyang van. Pero, mas bumilib ang mga fan dahil kahit apat na taon na ang kanyang van, hindi pa rin niya ito pinapalitan, to think na milyones na talaga ang kita niya, at keri na niyang bumili ng mas mamahaling sasakyan.

Para kay Ivana, investment ang van n pina-customized niya, na may tulugan, make up table, at TV set, at mga ilaw (starlight) na nagbabago-bago ang kulay.

Pero, sabi nga niya, nalugi siya sa van dahil bigla nga raw natigil ang taping. Kung noon daw ay halos 24 oras siyang nasa kalsada para mag-taping, ngayon nga ay nasa bahay lang talaga siya, at madalang na nga lang makalabas.

“Nag-pandemic nga. Dito ako dapat titira, dapat tulugan ko rin kahit nasa taping ako. Noon sabay-sabay ang mga taping.

“Hindi na nagti-taping ngayon. Bawal nga. At saka, takot akong makipaglaplapan sa iba. Pero siguro soon.

“Pero sa ngayon, for my eyes only na lang siya! Hindi nga ako lumalabas, hindi na siya nagagamit,” chika ni Ivana.

Anyway, nakakaaliw nga si Ivana at Pinay na Pinay talaga, dahil may arinola sa loob ng van, meron ding dala-dalang mga tsitsirya na nilalantakan niya.

“Para akong tindahan. Ang dami kong pasabog!

“‘Yung arinola, takot kasi akong gumamit ng banyo sa labas. So, dito na lang sa loov ng van, at hindi ako magkakasakit sa pantog,” sabi ni Ivana.

“Pero noon talaga mahilig akong umihi sa mga gas station. Pero dahil may pandemic nga, iwas na rin muna,” dugtong na chika niya.

Kumpleto rin si Ivana ng mga kubyertos, dahil madalas nga raw na sa loob ng van siya kumakain. At siyempre, may mga reserba siyang face mask, at pang-disinfect ng van niya.

“Pero siyempre, may mga dala rin akong mga panty. Hahahaha!

“Wala lang akong dalang mga bra, dahil hindi naman ako mahilig mag-bra. Hahahaha!” chika pa niya.

Anyway, sa loob ng 12 oras ay 1.1 milyon na ang nag-view sa ‘My Van Tour’ ni Ivana, ha! Bongga talaga siya!

Zaijian napagkamalang magnanakaw

Masyado palang convincing ang pag-arte ng teen actor na si Zaijian Jaranilla sa papel niya sa American TV series na “Almost Paradise,” kung saan siya mapapanood sa episode na eere na ngayong Linggo (Mayo 9).

Magnanakaw ang role ni Zaijian sa serye. Kuwento niya, masyado raw naging makatotohanan ang eksena niya sa taping kaya inakala ng isang foreigner na tambay sa location nila na totoo ang mga nangyayari, at hinablot pa nito si Zaijian para pigilan siya.

“’Yung scene doon… e ‘di ninakaw ko ang sombrero. Tapos pagkatakbo ko, bigla akong hinatak ng foreigner na hindi kasama sa scene kasi akala niya nagnakaw talaga ako,” kwento ni Zaijian sa Kapamilya Chat ng ABS-CBN Entertainment.

Aminado ang dating child star na sobrang nagulat siya sa pangyayari at inakala pa niyang sasaktan siya ng naturang tambay.

“Medyo nasaktan ako, buti nga po hindi ako sinapak. Wala naman sa blocking namin ‘yon eh,” sabi niya.

Agad naman daw sumigaw ng ‘cut’ ang direktor nila at ipinaliwanag sa dayuhang napadaan na taping lang ang lahat ng ito. Humingi rin daw ng tawad ang foreigner kina Zaijian at sa crew ng “Almost Paradise.”

Samantala, mapapanood ang ikawalong episode ng “Almost Paradise,” tampok si Zaijian, ngayong Linggo (May 9), 8:45 PM sa Kapamilya Channel at A2Z. Mapapanood din ito online sa iWantTFC at Kapamilya Online Live.

Leave A Reply

Your email address will not be published.