Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ayaw kay Frankie? KC mas bet kasama mga anak ni Gabby

0 61

Hayun na nga, nang dahil sa pag-stay ni KC Concepcion nitong nakaraaang Holy Week at Easter Sunday kasama ang ama na si Gabby Concepcion at pamilya nito sa Batangas, including her two younger sisters na sina Sam at Sav Concepion na anak ni Gabby sa Misis nitong si Jinbee, naiintriga na si KC sa kung sino talaga ang ka-close nito among her siblings.

May mga kapatid si KC sa ama including Garie Concepcion at Chloe Syquia. Gayundin sa kanyang ina na si Sharon Cuneta na sina Frankie, Miel at Miguel Pangilinan.

May comment pa kasi na, “Parang hindi sila close ni Frankie. Last Christmas noong pumunta siya sa place ni Sharon, parang hindi naman sila nag-uusap.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa isang banda, si KC ang panganay sa lahat ng mga kapatid niya. At kung tutuusin, dapat ngang purihin pa ito dahil sa effort niya na mapalapit sa kahit sinong kapatid niya, mapa-mother or father side man.

Maging si Nay Lolit Solis ay nag-comment sa isyung ito at para sa kanya, hindi na dapat iniintriga kung kanino man mas close si KC.

Aniya, “Huwag na sana intrigahin pa si KC Concepcion Salve sa kung sinong mga step siblings niya siya mas close. Sa parehong mga magulang, kay Sharon Cuneta at Gabby Concepcion meron siyang mga kapatid.”

Dugtong pa niya, “Mukhang very loving at very kind si KC as a person kaya naman sana hindi siya gaanong nasasali sa intriga ng showbiz. Basta dapat happy siya, dahil mabait siya.” (Rose Garcia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.