Una sa Balita

Ayaw gayahin sina Harry, Meghan Royal couple nag-budget flight

0 247

PARA makaiwas sa kritiko ay bumiyahe ang Royal couple na sina Prince William at Kate Middleton sa isang commercial flight na kilalang mura ang pasahe.

Nitong Huwebes, Agosto 22 ay tumulak umano ang royal couple patungong Scotland lulan ng British airline na FlyBe.

Sinasabing pupunta sa Balmoral Castle ang royal couple kasama si Queen Elizabeth II.

Kasamang bumiyahe nina Prince William at Kate Middleton ang mga anak na sina George, Charlotte at Louis at kanilang yaya na si Maria Teresa Turrion Borrallo.

Kinumpirma ng FlyBe na ang Cambridge Duke and Duchess ay nasa biyahe.

Kumalat din ang mga larawan at video mula sa tarmac habang bitbit ni Prince William ang kanilang mga bag. Si Kate naman ay karga ang anak na si Louis katabi ang yaya.

Ang pagsakay sa budget flight ng royal fa­mily ay nagbunsod matapos na batikusin sina Prince Harry at Meghan Markle sa paggamit ng private jet nitong mga nakalipas na linggo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy