Una sa Balita

Ay, Erich at Lovi ang peg, ha!

By
0 12

Matapos ang maingay, magimik, na sampalan nina Lovi Poe at Erich Gonzales sa shooting ng The Significant Other, ang sampalan naman ng mga mga gumaganap na nanay nila sa parehong movie ang kasunod na nangyari.

Sina Dina Bonnevie at Snooky Serna ang mga gumaganap na mudra nila sa movie, at yes, sa last shooting day nila, may naganap din na sampalan ng dalawa. Pero, hindi katulad kina Lovi at Erich, na parang nagkabiglaan, o nadala lang sa emosyon nila sa eksena, sina Snooky at Dina ay nag-usap, at pinaghandaan talaga ang natu­rang sampalan.

Sa unang salang sa harap ng kamera, ayaw sanang pagsampalin ng director sina Snooky at Dina, dahil parang sobra-sobrang violent na nga naman ng mo­vie nila, na matapos ang sampalan nina Lovi at Erich, ang mga beteranang aktres naman ang pagsasampalin nila.

Pero, nung nakita raw ang eksena, parang hindi masyadong effective. Kaya nagdesisyon silang sige na nga, hayaan na rin na magsampalan ang dalawa.

Pero, wala naman daw reklamong naganap, dahil knows naman nila na magsasampalan sila.
“Naka-dalawa si Snooky sa akin, ha!” sey lang daw ni Dina after ng shooting.

Pero, after that nga raw, nagkayayaan sila na mag-dinner na magkakasama. Oh, di ba?

Anyway, tapos na nga ang movie nila, at sa huli, okey na okey sina Erich at Lovi.

Glaiza de Castro, mas fierce, mas mabangis ang alindog ngayon

Ibang-iba ang aura ngayon ni Glaiza de Castro. Parang girl na girl, seksi-seksihan, na parang may pinagpapagandahan, ha!

Although, noon pa man, alam naming carry ni Glaiza na magpaka-daring, pero ibang-iba nga talaga ang aura niya ngayon. Mas fierce, mas matapang, mas mabangis.

Konnichiwa, mga mamshies. Hair + make up : @flapjham #SPSOctoBesDay

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux) on

Ito na kaya ang sign na magkaka-boyfriend na siya? O tipong naghahanap na talaga ng dyowa?

Last time kasi na nakatsikahan ko siya sa celebrity premiere ng movie nina Roxanne Barcelo at Will Devaughn, nakaramdam ako ng slight na awa sa kanya, dahil kasi naman, mag-isa lang siya na dumating, umupo sa sinehan.

Samantalang ang mga friends niyang sina Diana Zubiri, at iba pa, bitbit ang kanilang mga papa. Eh si Glaiza, waley ngang dyowa.

Kaya wish talaga ng mga friends ni Glaiza, makahanap na ng boyfriend ang friend nila, para naman hindi ito laging solo flight sa mga lakaran sa showbiz.

Si Angelica Panganiban na single rin ngayon ang madalas kasama ni Glaiza sa mga lakaran. Parehong single, pero pareho rin naman happy.

Well, wait na lang tayo, dahil sa ganda at seksi ni Glaiza ngayon, sure naman ako na maraming boys pa rin ang naghahangad na makasama siya forever.