Una sa Balita

Awra super harot sa IG, ayaw pakabog kay Vice

0 371

Habang patuloy na ‘nagdadalaga’, lalo namang lumalandi sa social media si Awra Briguela. Ayaw paawat ng Kapamilya star sa pagpu-post nito ng mga seksing larawan niya sa Instagram.

Palaging naka-makeup at nakadamit ng babae ang aktor na animo’y isang cosmetic endorser o ‘di kaya’y isang international mo-del.

Sa latest photo niya ay naka-two piece swimsuit siya at headband.

Tila ayaw pakabog ni Awra sa mga tunay na babae kung mag-emote sa kanyang mga post. Parang ayaw rin nitong pahuli sa mga “ganda” photos ng nanay-nanayan niyang si Vice Ganda sa IG wall nito.

Asahang mas magiging matapang pa si Awra na magpa-sexy at maglandi ng mga kasuotan niya sa mga susunod pang buwan sa kanyang social media post.

Kinukunsinti at kinaaliwan naman ng kanyang mga fan, supporter ang mga larawan nito. (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy