Una sa Balita

Awra napagtapos ang ama sa pag-aaral

By
0 345

Marami ang natuwa sa ipinost ni Awra Briguela kaugnay sa tagumpay na natamo ng kanyang ama – ang makapagtapos ng pag-aaral.

Tila kabaligtaran nga ang nangyari dahil ang anak pa mismo ang tila nagpursige para makatapos ang kanyang mga magulang.

Ito’y dahil na rin sa kinikita ni Awra sa pag-aartista.

“Congrats papa! So proud of you!! Sabi nga nila ‘its better than late, than never’. Kaming lahat nang anak mo sobrang saludo sayo! Kase pinakita mo samen kung gaano kahalaga ang pag aa­ral! I love you papa!! Congrats ulet!” ayon sa post ni Awra.

Umulan ng pagbati ng congrats para sa mag-ama, pero hindi nakalusot sa mga netizen ang maling grammar ni Awra.

Kayo naman, ‘wag n’yo nang pansinin ‘yon, ngayon pang alam na ni Awra ang kahalagahan ng pag-aaral nang mabuti!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy