Una sa Balita

AWOL na sundalo, guro timbog sa shabu

By
0 473

ARESTADO ang isang Absent Without Official Leave (AWOL) na sundalo at ang umano’y parokyano nitong guro sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City, kamakalawa nang gabi.

Kinilala ni P/Supt. Joel Villanueva, hepe ng QCPD Batasan Police Station 6, ang dalawang suspek ay nakilalang sina Pfc. Danilo Calayan, alyas Jay-Ar, 36, dating kasapi ng Philippine Army na residente JP Rizal St., Brgy., Bagong Silangan, Quezon City at Mikel Suyman, 42, binata, public school teacher na nakatira sa Blk. 10, Lot 31, Eastwood Residence, Brgy. San Isidro, Rodriguez Rizal.

Sa imbestigasyon, dakong alas-9:20 ng gabi kamakalawa nang dakpin ang dalawa sa loob ng bahay ni Calayan na umano’y nasa ‘drug watch list’ ng pulisya dahil sa pagiging tulak nito ng droga.

Tumayong buyer ang isang pulis at nang makabili ng halagang P2,000 shabu kay Calayan ay agad itong pinosasan. Nagkataon na bumibili rin ng droga ang guro kaya kasama itong dinakip.

Nakumpiska mula sa sundalo ang limang plastic sachet na nagla­laman ng high grade na droga na nagkakahalaga ng P100,000.

Nakakulong ngayon ang dalawa sa QCPD station 6 at nahaharap sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy