Una sa Balita

Away-selos: Lolo’t lola parehong patay

By
0 143

Patay ang mag-asa­wang lolo at lola dahil sa away-selos na nauwi sa pananaksak sa Brgy. Sucol, Calamba City, Laguna kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Luisa Gonzales, 68-anyos makaraang pagsasaksakin ito ng kanyang mister na si Patricio Gonzales Sr.

Nadamay naman sa pananaksak ang 13-anyos na apo ng dalawa na kinilala lamang sa pangalang Joross na ngayon ay ginagamot pa sa ospital.

Agad namang rumes­ponde ang mga pulis suba­lit tumangging sumuko ang suspek na armado ng patalim at sa halip ay sinugod ang mga awtoridad na napilitang barilin ang suspek.

Naitakbo pa ito sa ospital subalit ideneklara din itong dead-on-arrival ng doktor.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy