Una sa Balita

Away relihiyon lang?

0 421

Masasabing tama ang naging hakbang ng gobyerno na mabilis na protektahan ang publiko sa anumang posibleng panloloko lalo na sa usapin ng salapi.

Ito ay may kinalaman sa mga panloloko. Tupad ng pyrami­ding scheme sa bansa.

Mabilis ang tugon ng gobyerno sa napaulat na pyramiding­ scheme umano ng Kapa Ministry International na sangkot sa umanoy investment scam.

Pero marami nga ang nagtatanong bakit biglang naging agrisi­bo ang gobyerno sa Kapa Ministry International samantalang wala namang nagrerek­lamo na biktima ng pyramiding scheme.

Kabaliktaran ito sa ibang kaso na marami na ang sumusugod mismo sa National Bureau of Investigation (NBI) upang magreklamo na nabiktima sila ng investment scam .

Hindi naman agad naaksiyunan ang mga reklamong ito at lalong hindi agresibo ang mga awtoridad na resolbahin ang kaso at mabigyan ng hustisya ang mga biktima.

Related Posts

Sana naman ay maging patas ang aksiyon ng mga awtoridad at agresibo sa lahat ng uri ng panloloko .

Kabaliktaran ang reklamo ngayon dahil bakit daw ipinadara at sinalakay ang Kapa Ministry International­ na wala namang nagrereklamong biktima ng investment scam.

Hindi tuloy maiwasan ang hinala na maaring may kinalaman sa away religion ang nangyari dito dahil napaulat na may mga lumilipat na sa Kapa Ministry International mula sa ibang sekta dahil sa magandang pakinabang sa kabuhayan.

Dahil sa pangyayari­ng ito ay mas marami­ng magiging biktima na dahil tila malabong mabawi pa ng mga miyembro ang investment matapos na madiskaril dahil sa mga operasyon ng mga awtoridad.

Umaasa tayo na magkakaroon ng linaw dito sa usapin at higit sa lahat ay mangibabaw ang interes ng publiko.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy