Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Away pamilya! Mag-asawa dedbol sa anak

0 212

Bangkay na nang matagpuan ang mag-asawa sa Bogo City, Cebu kamakalawa at itinuturong suspek ang kanilang anak na may diperensya sa pag-iisip, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ayon kay Bogo City chief of police, Police Lt. Col. Timothy Balao Edy Jr., Martes ng umaga nang matagpuan ang bangkay nina Virgilio, 75, at Angela Nunez, sa loob ng kanilang kubo sa Barangay Cogon ng nasabing lungsod.

Ang ginang ay nagtamo ng malaking putok sa ulo, palatandaan na pinalo ng matigas na bagay habang ang mister naman nito ay namatay sa posibleng atake sa puso.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na si Joseph Nunez, 43, anak ng mga biktima at sinasabing may diperensya sa isip.

Sa imbestigasyon ng pulisya, posibleng pinalo ng matigas na bagay ng suspek sa ulo ang kanyang ina, na posible naman umanong nasaksihan ng asawa dahilan upang atakihin naman ito sa sakit sa puso.

Bago ang pangyayari, Lunes ng gabi ng makita ng mga kapitbahay na nagwawala ang suspek at nakipagtalo sa kanyang mga magulang. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.