Una sa Balita

Away ng mga misis ng namatay na taipan, pinagpipiyestahan sa Forbes Park, Makati

0 798

Usap-usapan ngayon sa apat na sulok ng super exclusive na Forbes Park Makati ang ‘Battle Royale’ ng wife at wife No.2 ng bilyonaryong taipan na namatay kamakailan.

Ayon sa aking bubwit, namumurong mapadpad sa korte ang battle royale na ito ng mga byuda ng bilyonaryong taipan dahil sa pagmamatigas ni wife at wife No.2 na paghatian ang iniwang yaman ng kanilang mister.

Pero ayon sa aking bubwit, mas matigas at mas mataray si wife No.2 na ipinamamalitang may hawak siyang ‘last will & testament’ na pirmado ng taipan kaya sa kanya raw dapat mapunta ang lahat ng iniwan ng mister.

Si wife naman, ayon sa aking bubwit ay tahimik na aregluhan lang sana ang gustong mangyari.

Related Posts

Ang original na misis ng namayapang taipan ay Pinay, hindi Chinese, dalawa ang anak nila ni Mr. Forbes lister, at nakatira siya sa South Forbes Park.

Si wife No.2 naman ay apat ang anak nila ni Sir, nakatira sa North Forbes Park, at ikinasal daw sila ni taipan sa Hong Kong kaya ganun na lang ang kanyang pagdidiin na sa kanya dapat mapunta ang lahat ng iniwan ng bilyonaryong mister.

Ayon sa aking bubwit, matindi ang away na ito kapag hindi naayos lalo’t nakatanim sa kanya-kanyang departamento o linya ng negosyo sa empire ng bilyonaryong taipan ang mga misis at kanilang mga anak, mayroon sa mga bangko, car dealership, financial investment, insurance, eskuwelahan at iba pa.

Dahil sa tindi ng de­talye ng away ng wife at wife No. 2, pinagpipiyestahan ngayon ng mga ka lugar nila sa Forbes Park ang kanilang bakbakan na kapag hindi naayos ay tiyak na aabot sa husgado.

Ang bilyonaryong taipan na namatay at nag-iwan ng bilyong-bilyong halaga ng yaman na inaangkin ng wife No. 2 at kinokontra naman ng wife ay…siya ay may building.. sa Makati na inakyat kamakailan ng ‘French Spiderman’.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy