Una sa Balita

Away kapatid (9)

0 692

Dear Dra Holmes:

tnnung ko ang asawa ko kng my gsto sya sa kpted ko e nglit po sya. tas sya po ay sweet .

sbi nya po e hnd nmn dw po pero pgtpos ko po n sbhin sa aswa ko un e nyayKp n nya po aq s twing and to kpted q pero ngyn bmvalik nnmn po sya sa dte.  LYSSA

Dear Lyssa: Maraming salamat sa sulat mo na pi-nublish natin ng buo noong nakaraang Lunes at Miyerkoles, Nobyembre 26 at 28. Sa huling kolum natin noong nakaraang Miyerkoles, Disyembre­ 19, tinanong ko sa iyo kung kahit kalian ba nangyari na ikaw naman ay nasa sapatos ng asawa mo? Na mayroon kang mga ginagawa na ayaw niya at pinalaman sa iyo at sinikap mong huwag nang gawin? At pinatawad ka ba niya dahil alam niyang ginagawa mo ang lahat para pasiyahin siya?  Pero ano kaya kung minsan nag ‘backslide ka.’ Ano kaya kung hindi mo talaga sinadya, pero bumalik sa dati ang mga ginagawa mo? Pinatawad ka rin ba niya—na may paalala o kahit minsan may patuchadang kasama?Ang mahalaga ay pinatawad ka niya, di ba Lyzza, dahil alam niya na you are doing your best? Ang mahalaga ay hindi ka niya hinusgada nang napakalupit? Mayroong mga iba na magagalit at magsasabi: “Eh, bakit naman babalik siya sa dati at titingnan ng malalim at maladkit(?) ang kapa­tid mo? Mas bata siya at mas maganda kung ikumpara sa iyo!”Una, hindi niya kasalanan na mas bata at mas maganda ang kapatid mo. Ikalawa, dahil lang siya ay tumingin, hindi ibig sabihin na gusto niyang isiping ang kapatid mo.  TO BE CONTINUEDSi Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes o sa abantewb@gmail.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy