Una sa Balita

Away-kapatid (11)

0 637

Dear Dra. Holmes:

Tnnung ko ang asawa ko kng my gsto sya sa kpted ko e nglit po sya. tas sya po ay sweet. sbi nya po e hnd nmn dw po pero pgtpos ko po n sbhin sa aswa ko un e nyayKp n nya po aq s twing and to kpted q pero ngyn bmvalik nnmn po sya sa dte. Lyssa

Dear Lyssa:
Maraming sala­mat sa sulat mo na pinublish natin ng buo noong nakaraang Lunes at Miyerkules. Mula Disyembre 21, tumigil na ta­yong sumagot tungkol sa away-kapatid ninyo ng bunso mo at lumipat na sa iyong sama ng loob sa asawa mo. Sa huling kolum natin noong nakaraang Miyerkoles, tinanong ko sa iyo kung ano kaya ang damdamin mo kung baliktad ang situwasyon? Palagay ko mas magugustuhan mo na sabihin sa iyo kaagad, kaysa lumaki ang tampo at galit niya. Ganyan rin siguro ang mas gusto niya. Minsan, kahit anong gawin natin ay nagkakamali tayo. Minsan, kahit ayaw nating masaktan ang ating mahal sa buhay, mayroon pa rin tayong nakakalimutan. Pa­lagay ko ‘yan ang nangyari sa asawa mo. Mahal ka niya, ayaw niya na masaktan siya pero napadaplis ang tingin niya sa kapatid mo, sana patawarin mo siya sa daplis na tingin na iyon?

Sabi mo maganda ang kapatid mo—at mas bata pa na ‘di hamak. Palagay ko lahat ng lalaki, kahit mahal nila ang asawa o GF nila ay napapatingin sa napakaganda o seksing babae, lalo na kung naka­tira ito sa bahay nila. Tama ba na magalit tayo sa ganu’ng kalseng tingin? Final ins­tallment on Monday.

***

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes o sa abantewb@gmail.com

Magpakonsulta ng libre sa tanyag na psychologist na si Dra. Margie ng personal at maging guest sa kaniyang talkshow na i-eere sa aming facebook at youtube accounts! Magpasa ng sulat na naglalaman ng ilan sa iyong hinaing tungkol sa relasyon at sex life, sa aming email: abante.walangbolahan@gmail .com

Kaugnay na istorya: https://www.abante.com.ph/away-kapatid-10.htm

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy