Una sa Balita

Away-kapatid (10)

0 612

Dear Dra Holmes:

tnnung ko ang asawa ko kng my gsto sya sa kp­ted ko e nglit po sya. tas sya po ay sweet . sbi nya po e hnd nmn dw po pero pg­tpos ko po n sbhin sa aswa ko un e nyayKp n nya po aq s twing and to kpted q pero ngyn bmvalik nnmn po sya sa dte. Lyssa

Dear Lyssa:

Maraming salamat sa sulat mo na pinublish natin ng buo noong nakaraang Lunes at Miyerkoles, Nobyembre 26 at 28. Mula sa Biyernes, Disyembre 21, tumigil na ta­yong sumagot tungkol sa away-kapatid ninyo ng bunso mo at lumipat na sa iyong sama ng loob sa asawa mo. Sa huling kolum natin noong nakaraang Lunes, Disyembre 24, tinanong ko sa iyo kung ano kaya ang damdamin mo kung nagbaliktad ang situwasyon? Kung siya ay nag reklamo sa iyo na may crush ka sa kuya niya, at ginawa mo ang lahat—laging niyayakap mo ang asawa mo at hindi na tumitingin sa kuya niya—pero isang araw (o 2, o 3) nakalimutan mo na nagseselos siya at nagawa mo ang natural na ginagawa mo.

Nakakapaniwala ka ba na puwede ‘yung mangyari? Kasi, kung puwede (at ako naniniwala na puwede itong mangyari) hindi ba mas gusto mo na sabihin sa iyo kaagad, kaysa magtampo o mag-isip kaagad na “haaaay, bumabalik sa dati na naman ang asawa ko at hindi niya matiis ang pagkagusto niya sa kuya ko!” Hindi mo ba nararamdaman na hinusgahan ka kaagad, at hindi man lang siya nagbigay ng pagkakataon para maipaliwanag mo na kung ano ang nangyayari? At hindi ba magugulat ka na bumalik ka rin sa dati na nagmumukmok at galit ka sa kaniya? Final installment next week…

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes o sa abantewb@gmail.com

***

Magpakonsulta ng libre sa tanyag na psychologist na si Dra. Margie ng personal at maging guest sa kaniyang talkshow na i-eere sa aming facebook at youtube accounts! Magpasa ng sulat na naglalaman ng ilan sa iyong hinaing tungkol sa relasyon at sex life, sa aming email: abante.walangbolahan@gmail.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy