Una sa Balita

Awat na sa ‘na-ano’ ni Sotto

By
0 3

Tutal ay nag-sorry na si Senate majority leader Vicente ‘Tito’ Sotto III at inamin na rin ang kanyang pagkakamali ay nararapat na ring patawarin ito at mag move-on na ang publiko.

Pakiusap ito ng dalawang senador matapos na putaktehin ng kaliwa’t kanang batikos si Sotto dulot ng ginawa nitong pagtutsada kay DSWD Sec. Judy Taguiwalo na isang single mom at ang paggamit ng mga salitang “na-ano lang” bilang pagtukoy sa mga babaeng may anak pero dalaga o walang asawa.

“Nag-apologize na si Sen. Sotto, palagay ko it’s a learning experience kay Sen. Sotto and to all of us na maging maingat rin para hindi na mauulit pa,” ayon kay Sen. Antonio Trillanes IV.

Bukod sa tinanggap na rin umano ni Sec. Taguiwalo ang paumanhin ng senador.

Maging si Sen. JV Ejercito, sinabi nitong bagama’t naintindihan niya ang naram­daman ng mga single moms ngunit sa paghingi ng sorry ni Sotto at pagtanggap ng pagkakamali nito ay sapat na upang hindi na palakihin ang isyu.