Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Avaricio asinta pang-4 korona

0 81

GIGIL si Chanelle Avaricio para sa isa pang korona sa harap na paganda nang paganda ang mga palo laban sa mga dinominang karibal sa huling labanan sa pagsiklab ng ICTSI (International Container Terminal Services, Inc.) Eagle Ridge at Aoki Invitational sa Gen. Trias, Cavite ngayong Martes.

Sa pag-urong ni Princess Mary Superal na mas pinili ang magpahinga mula sa nakakapagod na kampanya sa 9th Thai Ladies Professional Golf Association Tour 2022 sa Thailand, haharapin ni Avaricio ang mga kalaban na pinostehan niya ng anim na palong panalo sa Pradera Verde Ladies Classic nitong Hunyo.

Iyon ang pangatlo niyang tagumpay sa huling limang yugto ng 10th Ladies Philippine Golf Tour 2022, kabilang ang playoff win kay Superal sa Hallow Ridge at isang hampas na alpas kay Chihiro Ikeda sa Caliraya Springs.

Kaya si Avaricio ang sobrang liyamado sa 54-hole championship na inoorganisa ng Pilipinas Golf Tournaments, Inc. at handog ng ICTSI na pinapaldo ang gantimpala sa linggong ito sa P1.5M na. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.