Una sa Balita

Avalanche sa Pakistan, 93 todas

0 251

NASA 93 katao ang namatay dahil sa avalanche o pagguho ng yelo at extreme weather sa Balochistan at Azad Kashmir regions sa Pakistan.

Ayon sa The Guardian, pinakamalubhang tinamaan ang Pakistani Kashmir kung saan 62 katao ang namatay, 76 ang sugatan habang sampu ang nawawala.

Labing-apat naman ang namatay noong Enero 11 dahil sa extreme weather sa nasabing rehiyon.

Idineklara na ang emergency matapos­ tamaan ng matinding snowfalls ang Balochistan­ province.

Samantala, 24 katao ang binawian ng buhay sa baha sa Afghanistan. (Issa Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More