Una sa Balita

Autor, takrawers hindi nagpadaig

0 210

HATAW rin ang Philippine sepak takraw matapos samahan ang ibang Filipino athletes sa pagsilo ng gintong medalya sa opening day ng 30th Southeast Asian Games.

Sumilo ng isang ginto ang women’s squad sa hoop event sa sepak takraw competion na ginanap sa Subic Gym kahapon.

Pinangunahan ni playing coach Deseree Autor ang Pilipinas para ikahon ang 670-660 panalo laban sa Indonesia.

Tinambakan ng Myanmar ang Laos, 640-420, pero kinulang sila ng 30 points sa total iskor ng Pilipinas kaya nakuntento sila sa bronze medal sa 30-minute sepak takraw hoop category.

Nakasama ni Autor sina Josefina Maat, Sara Jean Kalalo, Jean Marie Sucalit, Mary Ann Lopez at Abigail Sinugbohan sa paghablot ng ginto.

Pakay ng Nationals na makakuha ng tatlong gold medal sa anim na event para sa overall sepak takraw championship, tumapos ang Pilipinas bilang fifth place sa 2017 Kuala Lumpur SEA Games.

Makakasama ni Autor ang ibang miyembro ng National team para sa pagsilo ng panibagong gold medal ngayong araw sa women’s regu event. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy