Una sa Balita

Auto shop nagliyab, 2 kotse ni JV Ejercito nasunog

By
0 682

NATUSTA sa malawakang sunog na naganap sa Autoplus Car Repair Shop sa Brgy. Wack–Wack, Mandaluyong City ang 2 ‘masuwerteng’ sasakyan ng senatorial reelectionist na si JV Ejercito kasama ang ilan pang magagara at mamahaling mga sasakyan.

Sa kanyang Twitter account, kinumpirma nito na nadamay sa sunog ang kanyang Toyota Sequioa, sasakyang gamit ni JV sa nagdaang 10 taon.

“I feel sad, my car for the past 10 years, my Toyota Sequioa burned in the fire at Autoplus Car Center this morning. Fee­ling sentimental because we’ve been through so many battles and it was my most reliable, not to mention ‘lucky’ car,” ayon sa Tweet ni Ejercito.

Bukod sa Toyota Sequioa, nadamay rin sa sunog ang isa pa nitong sasakyang Ford Everest.

Idineklarang fire under control ang nasabing sunog na nagsimula ng alas-11:14 nang umaga na umabot sa 2nd alarm.

Bukod sa 2 sasakyan ng senador, ilan pang mamahaling mga kotse at SUV na ginagawa sa nasabing auto shop ang nadamay sa sunog. Kabilang umano dito ang Porsche, Shelby, Subaru, Range Rover at ilan pang mahahalagang equipment at tool.
Hanggang ngayon ay walang malinaw na report kung saan nagsimula ang sunog.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy