Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Austria pinagdarasal recovery ni Cabagnot

0 162

NAKAGARAHE si Alex Cabagnot nang harapin ng Terrafirma Dyip ang dati niyang team na San Miguel Beer noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Unang laro sana ng veteran guard kontra Beermen na tinigilan niya at tinulungan sa siyam na kampeonato sapul noong 2010.

Pinamigay ang playmaker sa Dyip para kay Simon Enciso bago nagsimula ang PBA Governors Cup.

Inabot ng torn Achilles tendon ang 39-year-old veteran noong Dec. 18 kontra NLEX sa Big Dome din.

Aminado si Beermen coach Leo Austria na malaking sakit ng ulo sana nila kung nakapaglaro si Cabagnot.

“Definitely it would become harder for us to beat them because Alex, alam niya what’s going on in our team,” pakli ni Austria pagkatapos ng 100-88 panalo ng Beer. “Alam n’ya ‘yung plays at strategy.”

Kung dikitan daw ang bakbakan sa dulo, magiging problema ng SMB si Cabagnot.

Hindi pa masigurado kung kailan makakabalik ang guard.

“That incident, that’s beyond his control,” dagdag ni Austria. “I’m praying for him to recover well.”

Sa likod ng tig-23 points nina Terrence Romeo at Brandon Brown, tinagay ng Beer ang pangatlong sunod na panalo tungo sa 3-2 card. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.