Una sa Balita

Austria kay Standhardinger

Kalma lang!

By
0 1,976

Ayaw ikompromiso ni San Miguel Beer coach Leo Austria ang ini­indang sakit sa tuhod ng prized ­rookie niyang si Christian Standhardinger.

Sa huling laro ng Beermen, ang 99-94 win kontra TNT Ka­Tropa noong Hunyo 16, naka-civilian clothes ang Fil-German.

Tatlong araw bago iyon, limitado ang galaw ni Standhardinger sa 98-94 upset loss ng SMB sa GlobalPort. Naka-11 1/2 minutes lang siya, walang naipasok sa apat na attempts, may three rebounds at tatlong beses nabutata.

Katatapos lang noon ng kampanya ni Standhardinger sa FIBA 3×3 World Cup, hindi naitawid ang Pilipinas lagpas sa eliminations. Wala namang indikasyon na bumalik o lumala ang iniindang sakit sa kaliwang tuhod na inalisan ng fluid.

Bago ang FIBA joust, dalawang larong ipinahinga ni Austria si Standhardinger para makarekober.

Inaasahang maka­kabalik na si Standhardinger sa Hunyo 23, sa pagdayo ng Beermen sa ­Calasiao, Pangasinan para harapin ang NLEX.