Una sa Balita

Austria hapi maski pumalya sa Grand Slam II ang SMB

0 306

NAKAKAWALONG titulo na bilang coach si Leo Austria, maihahanay na sa mga pinaka-astig na tactician ng Philippine Basketball Association.

Ngayong season, unang inihatid ni Austria ang San Miguel Beer sa kampeonato ng Philippine Cup nitong Mayo.

Nito lang Biyernes, dinagdag ng SMB sa unang 26 na koleksyon ng championship trophy ang Commissioner’s Cup tapos talunin sa anim na laro ang TNT.

Winningest team na rin sa midseason conference ang SMB sa hi­namig na apat.
Inakbayan ni Austria si Chot Reyes sa panlimang puwesto ng listahan ng mga coach na may pinakamaraming championship.

“’Di na masama, 8 of 9 in the Finals,” nakangiting bulalas ni Austria tapos ng title-clinching 102-90 win ng San Miguel sa Smart Araneta Coliseum.

“‘Di ako mayabang, 9 finals in 14 conferences (sa liga),” paalala ni Austria na sinundan ng tawa.

Tinuhog ang unang dalawang titulo ng season, Governors Cup title na lang ay grand slam muli ang SMB tapos ng una noong 1989.

Ayaw pangunahan ng coach ang hinaharap.

“Happy na kami kahit hindi kami maka-grand slam,” paliwanag ni Austria. “I think what we did in the all-Filipino is more than a grand slam. Five-peat, that’s the only ­record.”

May ‘slam din daw ang Alaska at Purefoods franchise pero wala pang team na nakalimang sunod sa Phil. Cup maliban sa San Miguel.

(Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy