Una sa Balita

Austria, Cone, Victolero: Sino ang Coach of the Year?

By
0 434

PINAGTIG-ISAHAN nina Leo Austria, Tim Cone at Chito Victolero ang tatlong titulo ng nakaraang 43rd season ng PBA.

Ang tatlong coaches na nasa ilalim ng San Miguel Corp. umbrella ang malakas na kandidato sa 2018 Coach of the Year sa 25th year ng PBA Press Corps Awards Night sa Jan. 21 sa Novotel Manila sa Araneta Center.

Ang pagbibigay ng Virgilio ‘Baby’ Dalupan trophy para sa best coach ng nakalipas na taon ang highlight ng annual affair.

Tinuhog ni Austria ang pang-apat na sunod na titulo ng Philippine Cup para sa San Miguel Beer. Giniyahan ni Cone ang Ginebra sa unang kampeonato ng midseason Commissioner’s Cup makalipas ang 21 taon. Sinikwat ni Victolero ang una niyang coaching title nang akayin ang Magnolia Pambansang Manok Hotshots sa korona ng Governors Cup.

Unang titulo rin ng Purefoods franchise pagkatapos ng grand slam year noong 2014 sa ilalim ni Cone.

Tatlong sunod na Coach of the Year ang tinanggap ni Austria, huli sa 24th edition ng event at nasa cabinet na niya ang perpetual Dalupan Trophy. Siya pa lang ang nakakagawa nito sapul nang unang ipamigay ng sportswri­ters ang plum noong 1993.

Tatlong beses ding tinanggap ni Cone ang award (1994, 1996 at 2014), unang pagkakataon na kandidato si Victolero.

Bahagi ng silver anniversary ng PBAPC ang pagbibigay sa unang pagkakataon ng Lifetime Achievement Award.

Ang iba pang pagkilala ay ang nirebisang President’s Award, Exe­cutive of the Year, Defensive Player of the Year, Mr. Quality Minutes, at Breakout Player ng season.

Kikilalanin din ang Game of the Season, All-Rookie Team, All-Interview Team, Scoring Champion, at Order of Merit sa may pinakamaraming Player of the Week citations.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy