Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Australian tinakasan quarantine: Kumot pinagbuhol mula 4th floor

0 19

Agaw-eksena ang isang 39-anyos na lalaki sa Sydney, Australia nang takasan nito ang kanyang mandatory quarantine sa isang hotel gamit ang pinagbuhul-buhol na bedsheet pababa ng bintana mula 4th floor ng kanyang kuwarto.

Ayon sa report ng Australian Police, naharang ang pasaway na `bida’ na hindi na pinangalanan, pagdating sa West Coast City sakay ng eroplano mula Brisbane dahil sa kawalan ng border entry application.

Dinala ito sa isang hotel para sa 48 hours quarantine health protocols subalit naisipan namang tumakas bandang 1:00 ng madaling araw.

Ayon sa report, kinuha nito ang mga bed sheet ng kama sa kanyang kuwarto, pinagbuhol-buhol ito at inilaylay sa bintana na ginawa niyang `lubid’ para makatakas.

Inabot ng 8-oras bago nahuli ang bida at doon na tuluyang kinasuhan dahil sa paglabag sa health protocols at misleading information. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.