Una sa Balita

Australian national, 6 pa kalaboso sa buy-bust

0 161

ARESTADO ang isang Australian national at anim na iba pang drug personality sa sa buy-bust operation na isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Region III (PDEA RO III) at tauhan ng Philippine Air Force (PAF) sa isang drug den sa Mabalacat City, Pampanga noong Huwebes nang gabi.

Batay sa ulat ni PDEA3 Director Gil T. Pabilona sa tanggapan ni in PDEA Director General Aaron N. Aquino, nakilala ang natimbog na dayuhang si George L. Georgeff, Australian, 38; Roque C. Ro­sielda, 50, drug den maintainer; Arnold G. Padilla, 25; Emmanuel E. Gaddi, 39; Roland S. Geraldo, 29; Norman G. Rivera, 18, at Raddy O. Tabuso, 46, pawang mga residente ng Mabalacat City.

Ayon kay Director Pabilona naaktuhan si Georgeff sa loob ng drug den habang umiiskor sa mga kasamahan ni Rosielda.

Nakakumpiska ang mga operatiba ng PDEA ng 11 piraso ng sachet ng shabu na tumitimbang ng 20 gramo na may street value na P136,000.00, at mga drug paraphernalia.

Ang mga naaresto ay nakalagak sa PDEA Jail Facility sa Diosdado Macapagal Government Center sa San Fernando City, Pampanga at pawang kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002. (Jojo De Guzman)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy