Una sa Balita

Australian citizen puwede bang makabili ng bahay sa ‘Pinas?

By
0 1,566

Dear Atty Claire,

I am Rhey Macale from Sydney, Australia po. Isa lang po ako sa napakarami niyong tagasubaybay ng co­lumn na ito. Nalaman ko nga na puwede naman palang mag-seek ng advise o mag-ask sa inyo kaya sasamantalahin ko ho itong pagkakataon na ito at sana’y magkaroon kayo ng time na bigyang pansin… 1) Tanong ko lang ho kung puwede ba kami being an Australian Citizen (Phil born, used to be a Filipino citizen) na magkaron o ma­kabili ng lupa o bahay diyan sa Pilipinas? Or may certain limit ho ba?

2) Ano ho ba kaibahan ng Titled Land sa sinasabing Rights lang or Tax Declaration lang?

3) At kung sakali ho na gusto naming ma­kabili ng lupa diyan sa Pilipinas, ano ho ba ang mga dapat na­ming ma­laman or dapat gawin?

Salamat po,
 Rhey

***

Rhey,

Dahil sa ikaw ay isang former Filipino citizen ay maaari kang makabili ng lupa rito sa Pilipinas ngunit may mga certain limits nga lamang tulad ng isinasaad sa BP No. 185:

Sec. 2. Any natural-born citizen of the Philippines who has lost his Philippine citi­zenship and who has the legal capacity to enter into a contract under Philippine laws may be a transferee of a private land up to a maximum area of one thousand square meters, in the case of urban land, or one hec­tare in the case of rural land, to be used by him as his residence. In the case of married couples, one of them may avail of the pri­vilege herein granted; Provided, That if both shall avail of the same, the total area acquired shall not exceed the maximum herein fixed. 

Kung nais na gamitin ang lupa para sa isang business o investment ay pinapayagan na mag-acquire ang former natural born Filipino citizen ­ayon sa RA 8179.

Kapag nakabili ka ng ari-arian na may tax declaration lamang ay dapat mong alamin kung bayad ang amilyar nito upang makasiguro na walang utang ito sa Office of the Treasurer ng nasa­bing lugar kung saan matatagpuan ang ari-arian. Kapag nakabili­ na at kumpleto na ang mga dokumento at bayad ng taxes tulad ng capital gains tax, documentary stamp tax, etc. ay maaaari mo nang pasukat ito upang maaprubahan ang survey plan at saka mag-file ng petition sa korte para magpatitulo na ng lupa.

Pakitingnan na rin kung ano ba ang limitasyon na nakasaad sa tax declaration o titulo dahil baka ito ay isang lupang naibigay sa magsasaka ayon sa CARP na hindi maaaring basta maisasalin ang ow­nership sa iba nang hindi naaayon sa batas.

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag sa 410-7624 o 922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.