Una sa Balita

Australia inulan ng yelong kasinglaki ng golf ball

0 250

MATAPOS salantahin ng wildfires, binagyo naman ng yelo na kasing laki ng bola ng golf ang ilang bahagi ng southeastern Australia.

Ayon sa CNN, sa sobrang laki ng tipak ng mga yelo, kaya nitong makabasag ng mga car window at makasakit ng mga ibon.

Ito’y isang araw ­matapos tamaan ng malaking dust storms ang New South Wales Linggo nang hapon.

Nanalasa ang hailstorms sa national capital na ­Canberra noong Lunes nang hapon.

Patungo na ito sa mga coastal city ng Sydney, ­Wollongong, at Newcastle, ayon sa Australia Bureau of Meteorology.

Ilang Australian ang nagsabi na sintomas na ito na kailangan na ng kanilang gobyerno na umaksyon ­laban sa climate crisis. (IS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More