Una sa Balita

Australia bushfire 2 todas

0 366

DALAWA katao ang namatay at higit sa 100 kabahayan ang naabo sa bushfire na lumamon sa silangang bahagi ng Australia.

Ayon sa mga awtoridad, pitong katao din ang nawawala habang abala naman ang mga firefighter sa pag-apula ng apoy simula pa noong Biyernes.

Natagpuan ang bangkay ng isa sa loob ng sasakyan, habang isang babae din ang namatay matapos ang ilang oras na pagsalba sa kanyang buhay ng mga medic.

Tinatayang 30 katao naman ang sugatan, karamihan dito ay mga firefighter.
Umaabot sa 1,200 firefighter at 70 aircraft ang sumabak sa pag-apula ng apoy.

Nilamon ng apoy ang higit 100 kabahayan sa New South Wales at Queensland.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy