Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Auring’ nanalasa sa 3 rehiyon, 1 nawawala

0 63

Pumalo sa 53,236 indibidwal o 13,816 pamilya mula sa Caraga, Davao, at sa Northern Mindanao region ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong ‘Auring’ ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Habang, ayon kay Surigao del Sur Governor Alexander Pimentel, isa ang nawawala sa San Agustin dahil sa bagyo.

Dagdag pa dito, ayon sa NDRRMC may 179 na kabahayan ang wasak sa Caraga region pa lang.

Samantala, matapos ang naging landfall sa Batag, Northern Samar humina na umano ang bagyo na tinatahak ang direksyon patungong Albay at Sorsogon, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa). (Kiko Cueto/Tina Mendoza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.