Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Aubrey, Troy wedding sa Batanes winasak ng virus

0 15

Sa kanilang vlog, ni-reveal nina Aubrey Miles and Troy Montero ang pagkansela ng dapat na wedding nila last year dahil sa COVID-19 pandemic.

18 years na ngang magka-live-in sina Aubrey at Troy kasama ang kanilang anak na sina Maurice, Hunter Cody, and Rocket.

Noong April 23, 2020 ang dapat na wedding nina Aubrey at Troy, at sa Batanes sana `yon. Naayos na raw nila ang lahat, na dadaluhan lang ng immediate family members nila. Sa Europe pa raw sana kukunan ang kanilang pre-wedding getaway and pre-nuptial shoot.

Pero natigil ang lahat dahil sa nagkaroon ng COVID-19 pandemic.

Baka raw sign ito na hindi na nila kailangan gawin pa ang pinlano nilang wedding. May ibang options naman daw sila.

“Everyone has his own reason for getting married, and for us, I was thinking, ‘No, we don’t need to do a civil wedding during the pandemic.’ But now that I think about it, maybe, maybe there’s a chance. I think it could possibly happen,” sabi ni Troy.

“Why fix it if it’s not broken? We have nothing to fix. We’re happy, we’re good, we’re satisfied with our relationship. Everything that we want, nasa gusto namin. ‘Yung wedding is not really on our list before nga. ‘Di ba? Parang hindi siya ‘yung talagang wish list namin kapag may mga list sa relationship. Because ganun lang talaga kami mag-isip,” sey naman ni Aubrey. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.