Una sa Balita

Atras Sereno sa Senado nirerespeto ng oposisyon

By
0 508

NIRERESPETO ng mga opposition senator ang desisyon ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno na umatras sa pagtakbo bilang senador sa susunod na eleksyon.

Ito ang sinabi ni Liberal Party (LP) president at Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan nang tanungin sa paninindigan ni Sereno na hindi ito tatakbo sa 2019 elections.

Gayunman, sinabi ni Pangilinan na mananatili pa rin ang imahe ni Sereno sa mga opposition se­nator bilang kapanig sa pagpapaunlad ng buhay ng mga indibiduwal na mahihirap at walang trabaho.

Patuloy rin aniyang susuportahan ang imahe ni Sereno sa pagdepensa ng demokrasya at ng alituntunin ng batas.